AFTER 9 YEARS, we are publishing this book about Dr. Rizal written and researched by my younger self. Nagpapasalamat po ako kay Sir Pedrito "Bobot" Navarro sa pagtitiyaga, paggabay, at pagtitiwala at sa mga tulong nina Prof. Xiao Chua, Dr. Pablo S. Trillana III, at kay Bb. Anita Feleo sa pagkumento, pagwasto, at paglimbag ng akdang ito. Maraming salamat din kay sir Marlon Flavier Tagorda, sir Jeremias Singson, at sa kalipunan ng Order of the Knights of Rizal. Nagpapasalamat din ako may Mama Annie Taculod para sa pagdala sa akin parati sa Dapitan at pagbili noon ng mga aklat ni Zaide, at iba pang publikasyong tungkol kay Rizal.
Ang unang limbag ko na ito ay hindi na muling ginalaw. Pinanatili nito ang kamuwangan ko sa pagsulat na sinimulan noong 2013 hanggang 2016. Unang inilabas ito sa publiko noong 2020 sa gitna ng pandemic. Nilikha namin ito bilang tangka upang buhayin si Rizal sa mas nakababatang Pilipino. Hindi perpekto pero pwede na sabi ng mga bata.
(Itinanghal ang kalahati ng akdang ito bilang voice act sa Western Bicutan National High School noong 2020 sa tulong at paglikha nina Mitee John Licuanan Secxiona , Jhudiel Clare D. Sosa , at marami pang iba.)
LINKED FOR SIGNED AND DEDICATED COPY (CASH ON DELIVERY): https://forms.gle/YGZapeQorzATeVcZ7